Mga Gawa 17

Kinagabihan, pinapunta ng mga mananampalataya sina Pablo at Silas sa Berea. Pagdating nila roon, pumunta sila sa sinagoga ng mga Hudyo.

Acts 17:10 (UKJV) And the brethren immediately sent away Paul and Silas by night unto Berea: who coming thither went into the synagogue of the Jews.

8Nang marinig iyon ng mga tao at ng mga opisyal, nagkagulo sila.

9Bago nila pinakawalan si Jason at ang kanyang mga kasama, pinagpiyansa muna sila.

10Kinagabihan, pinapunta ng mga mananampalataya sina Pablo at Silas sa Berea. Pagdating nila roon, pumunta sila sa sinagoga ng mga Hudyo.

11Mas bukas ang isipan ng mga Hudyong taga-Berea kaysa sa mga taga-Tesalonica. Gustong-gusto nilang makinig sa mga itinuturo nina Pablo. At araw-araw nilang sinasaliksik ang Kasulatan upang alamin kung totoo nga ba ang mga sinasabi nina Pablo.

12Marami sa kanila ang sumampalataya kabilang dito ang mga Griyegong babae na kilala sa lipunan at mga Griyegong lalaki.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.