7Pinatuloy ni Jason sina Pablo at Silas sa kanyang bahay. Silang lahat ay kumakalaban sa mga kautusan ng Emperador, dahil sinasabi nilang may iba pang hari na ang pangalan ay Hesus.”
8Nang marinig iyon ng mga tao at ng mga opisyal, nagkagulo sila.
9Bago nila pinakawalan si Jason at ang kanyang mga kasama, pinagpiyansa muna sila.
10Kinagabihan, pinapunta ng mga mananampalataya sina Pablo at Silas sa Berea. Pagdating nila roon, pumunta sila sa sinagoga ng mga Hudyo.
11Mas bukas ang isipan ng mga Hudyong taga-Berea kaysa sa mga taga-Tesalonica. Gustong-gusto nilang makinig sa mga itinuturo nina Pablo. At araw-araw nilang sinasaliksik ang Kasulatan upang alamin kung totoo nga ba ang mga sinasabi nina Pablo.