21(Ang mga taga-Atenas at mga dayuhang naninirahan doon ay mahilig magdiskusyon tungkol sa mga bagong aral.)
22Kaya tumayo si Pablo sa gitna ng pagtitipon ng Areopago at sinabi, “Mga taga-Atenas! Nakikita kong napakarelihiyoso ninyo.
23Sapagkat sa aking paglilibot dito sa inyong lungsod, nakita ko ang mga sinasamba ninyo. May nakita pa akong altar na may nakasulat na ganito: Para sa Hindi Nakikilalang Diyos. “Itong Diyos na inyong sinasamba na hindi pa ninyo nakikilala ay ang Diyos na aking ipinapangaral sa inyo.
24“Siya ang lumikha ng mundo at ng lahat ng narito. Siya ang Panginoong nagmamay-ari ng langit at lupa, kaya hindi siya nakatira sa mga templo na gawa ng mga tao.
25Hindi siya nangangailangan ng tulong mula sa tao dahil siya mismo ang nagbibigay ng buhay sa atin, maging ng lahat ng pangangailangan natin.