Mga Gawa 17

“Siya ang lumikha ng mundo at ng lahat ng narito. Siya ang Panginoong nagmamay-ari ng langit at lupa, kaya hindi siya nakatira sa mga templo na gawa ng mga tao.

Acts 17:24 (UKJV) God that made the world and all things therein, seeing that he is Lord of heaven and earth, dwells not in temples made with hands;

22Kaya tumayo si Pablo sa gitna ng pagtitipon ng Areopago at sinabi, “Mga taga-Atenas! Nakikita kong napakarelihiyoso ninyo.

23Sapagkat sa aking paglilibot dito sa inyong lungsod, nakita ko ang mga sinasamba ninyo. May nakita pa akong altar na may nakasulat na ganito: Para sa Hindi Nakikilalang Diyos. “Itong Diyos na inyong sinasamba na hindi pa ninyo nakikilala ay ang Diyos na aking ipinapangaral sa inyo.

24“Siya ang lumikha ng mundo at ng lahat ng narito. Siya ang Panginoong nagmamay-ari ng langit at lupa, kaya hindi siya nakatira sa mga templo na gawa ng mga tao.

25Hindi siya nangangailangan ng tulong mula sa tao dahil siya mismo ang nagbibigay ng buhay sa atin, maging ng lahat ng pangangailangan natin.

26Mula sa isang tao, nilikha niya ang lahat ng lahi at ipinangalat sa buong mundo. Noon paʼy itinakda na niya ang hangganan ng tirahan ng mga tao at ang panahon na silaʼy mabubuhay dito sa lupa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.