Mga Gawa 17

Nang marinig nila ang sinabi ni Pablo tungkol sa muling pagkabuhay, pinagtawanan siya ng ilan. Ngunit sinabi naman ng iba, “Bumalik ka ulit dito, dahil gusto pa naming makinig tungkol sa mga bagay na ito.”

Acts 17:32 (UKJV) And when they heard of the resurrection of the dead, some mocked: and others said, We will hear you again of this matter.

30Noong una, nang hindi pa kilala ng mga tao ang Diyos, hindi niya pinansin ang kanilang mga kasalanan. Ngunit ngayon, inuutusan ng Diyos ang lahat ng tao sa lahat ng lugar na magsisi at talikuran ang kanilang masamang gawain.

31Sapagkat itinakda na ng Diyos ang araw kung kailan niya ipapataw ang kanyang makatarungang hatol sa lahat ng tao dito sa mundo sa pamamagitan ng taong pinili niya. Pinatunayan niya ito sa lahat, nang buhayin niyang muli ang taong iyon.”

32Nang marinig nila ang sinabi ni Pablo tungkol sa muling pagkabuhay, pinagtawanan siya ng ilan. Ngunit sinabi naman ng iba, “Bumalik ka ulit dito, dahil gusto pa naming makinig tungkol sa mga bagay na ito.”

33Pagkatapos nito, umalis na si Pablo.

34May ilang lalaking sumáma kay Pablo at sumampalataya kay Hesus. Ang isa sa kanila ay si Dionisio na miyembro ng Areopago, at ang babaeng si Damaris, at may iba pa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.