Mga Gawa 18

Nakilala niya roon si Aquila na isang Hudyo na taga-Ponto, at ang asawa nitong si Priscila. Kararating lang nila galing sa Italya, dahil may utos si Emperador Claudio na ang lahat ng Hudyo ay dapat umalis sa Roma. Dinalaw ni Pablo ang mag-asawang ito sa kanilang bahay.

Acts 18:2 (UKJV) And found a certain Jew named Aquila, born in Pontus, lately come from Italy, with his wife Priscilla; (because that Claudius had commanded all Jews to depart from Rome:) and came unto them.

1Pagkatapos noon, umalis si Pablo sa Atenas at pumunta sa Corinto.

2Nakilala niya roon si Aquila na isang Hudyo na taga-Ponto, at ang asawa nitong si Priscila. Kararating lang nila galing sa Italya, dahil may utos si Emperador Claudio na ang lahat ng Hudyo ay dapat umalis sa Roma. Dinalaw ni Pablo ang mag-asawang ito sa kanilang bahay.

3Kapwa sila manggagawa ng tolda, kaya nakitira na siya sa kanila at nagtrabahong kasama nila.

4Tuwing Araw ng Pamamahinga pumupunta si Pablo sa sinagoga upang makipagdiskusyon, dahil gusto niyang hikayatin ang mga Hudyo at mga Griyego na sumampalataya kay Kristo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.