Mga Gawa 19

Kaya nanganganib ang ating hanapbuhay, dahil baka masamain ito ng mga tao. At hindi lang iyan, nanganganib din ang templo ng ating dakilang diyosang si Artemis, dahil baka mawalan na ito ng saysay, at hindi na kilalanin ng mga tao ang diyosa na sinasamba hindi lang dito sa Asia kundi maging sa buong mundo.”

Acts 19:27 (UKJV) So that not only this our craft is in danger to be set at nothing; but also that the temple of the great goddess Diana should be despised, and her magnificence should be destroyed, whom all Asia and the world worships.

25Kaya ipinatawag niya ang kanyang mga manggagawa at ang iba pang mga nagpapanday ng pilak. At sinabi niya sa kanila, “Mga kaibigan, alam ninyong umaasenso tayo sa ganitong klaseng hanapbuhay.

26Nakita ninyo at narinig ang ginagawa ng taong si Pablo. Sinasabi niya na ang mga diyos na gawa ng tao ay hindi mga totoong diyos. Marami ang naniwala sa kanya rito sa Efeso at sa buong lalawigan ng Asia.

27Kaya nanganganib ang ating hanapbuhay, dahil baka masamain ito ng mga tao. At hindi lang iyan, nanganganib din ang templo ng ating dakilang diyosang si Artemis, dahil baka mawalan na ito ng saysay, at hindi na kilalanin ng mga tao ang diyosa na sinasamba hindi lang dito sa Asia kundi maging sa buong mundo.”

28Nang marinig ito ng mga tao, galit na galit sila at nagsigawan, “Makapangyarihan si Artemis ng mga taga-Efeso!”

29At ang kaguluhan ay kumalat sa buong lungsod. Hinuli nila ang mga kasama ni Pablo na sina Gayo at Aristarco na mga taga-Macedonia. Pagkatapos, sama-sama silang nagtakbuhan sa lugar na pinagtitipunan ng mga tao habang kinakaladkad nila ang dalawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.