Mga Gawa 19

Nang malaman ng mga tao na isa siyang Hudyo, sumigaw silang lahat, “Makapangyarihan si Artemis ng mga taga-Efeso!” Dalawang oras nilang isinisigaw ang ganoon.

Acts 19:34 (UKJV) But when they knew that he was a Jew, all with one voice about the space of two hours cried out, Great is Diana of the Ephesians.

32Lalo pang nagkagulo ang mga tao. Ibaʼt iba ang kanilang mga isinisigaw, dahil hindi alam ng karamihan kung bakit sila nandoon.

33May isang tao roon na ang pangalan ay Alejandro. Itinulak siya ng mga Hudyo sa unahan para magpaliwanag na silang mga Hudyo ay walang kinalaman sa mga ginagawa nina Pablo. Sinenyasan niya ang mga tao na tumahimik.

34Nang malaman ng mga tao na isa siyang Hudyo, sumigaw silang lahat, “Makapangyarihan si Artemis ng mga taga-Efeso!” Dalawang oras nilang isinisigaw ang ganoon.

35Nang bandang huli, napatahimik din sila ng namumuno sa lungsod. Sinabi niya sa kanila, “Mga kapwa ko taga-Efeso, alam ng lahat ng tao na tayong mga taga-Efeso ang siyang tagapag-ingat ng templo ni Artemis na makapangyarihan at ng sagradong imahen na nahulog mula sa langit.

36Hindi ito maikakaila ninuman. Kaya huminahon kayo, at huwag kayong padalos-dalos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.