Mga Gawa 19

May isang tao roon na ang pangalan ay Alejandro. Itinulak siya ng mga Hudyo sa unahan para magpaliwanag na silang mga Hudyo ay walang kinalaman sa mga ginagawa nina Pablo. Sinenyasan niya ang mga tao na tumahimik.

Acts 19:33 (UKJV) And they drew Alexander out of the multitude, the Jews putting him forward. And Alexander beckoned with the hand, and would have made his defence unto the people.

31Maging ang ilang mga opisyal ng lalawigan ng Asia na mga kaibigan ni Pablo ay nakiusap na huwag siyang pumunta sa pinagtitipunan ng mga tao.

32Lalo pang nagkagulo ang mga tao. Ibaʼt iba ang kanilang mga isinisigaw, dahil hindi alam ng karamihan kung bakit sila nandoon.

33May isang tao roon na ang pangalan ay Alejandro. Itinulak siya ng mga Hudyo sa unahan para magpaliwanag na silang mga Hudyo ay walang kinalaman sa mga ginagawa nina Pablo. Sinenyasan niya ang mga tao na tumahimik.

34Nang malaman ng mga tao na isa siyang Hudyo, sumigaw silang lahat, “Makapangyarihan si Artemis ng mga taga-Efeso!” Dalawang oras nilang isinisigaw ang ganoon.

35Nang bandang huli, napatahimik din sila ng namumuno sa lungsod. Sinabi niya sa kanila, “Mga kapwa ko taga-Efeso, alam ng lahat ng tao na tayong mga taga-Efeso ang siyang tagapag-ingat ng templo ni Artemis na makapangyarihan at ng sagradong imahen na nahulog mula sa langit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.