3Nagtanong si Pablo sa kanila, “Anong klaseng bautismo ang inyong napagdaanan?” Sumagot sila, “Ang bautismo ni Juan.”
4Sinabi ni Pablo sa kanila, “Ang bautismo ni Juan ay para sa mga taong nagsisisi sa kanilang kasalanan. Ngunit sinabi rin ni Juan sa mga tao na dapat silang sumampalataya sa darating na kasunod niya, na walang iba kundi si Hesus.”
5Nang marinig nila ito, binautismuhan sila sa pangalan ng Panginoong Hesus.
6At nang ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila, bumaba sa kanila ang Banal na Espiritu. Nakapagsalita sila sa ibaʼt ibang wikang hindi nila natutunan, at may mga ipinahayag silang mensahe mula sa Diyos.
7Labindalawang lalaki silang lahat.