Mga Gawa 19

Sinabi ni Pablo sa kanila, “Ang bautismo ni Juan ay para sa mga taong nagsisisi sa kanilang kasalanan. Ngunit sinabi rin ni Juan sa mga tao na dapat silang sumampalataya sa darating na kasunod niya, na walang iba kundi si Hesus.”

Acts 19:4 (UKJV) Then said Paul, John verily baptized with the baptism of repentance, saying unto the people, that they should believe on him which should come after him, that is, on Christ Jesus.

2Tinanong niya sila, “Natanggap na ba ninyo ang Banal na Espiritu nang sumampalataya kayo?” Sumagot sila, “Hindi, at hindi nga namin alam na may tinatawag palang Banal na Espiritu.”

3Nagtanong si Pablo sa kanila, “Anong klaseng bautismo ang inyong napagdaanan?” Sumagot sila, “Ang bautismo ni Juan.”

4Sinabi ni Pablo sa kanila, “Ang bautismo ni Juan ay para sa mga taong nagsisisi sa kanilang kasalanan. Ngunit sinabi rin ni Juan sa mga tao na dapat silang sumampalataya sa darating na kasunod niya, na walang iba kundi si Hesus.”

5Nang marinig nila ito, binautismuhan sila sa pangalan ng Panginoong Hesus.

6At nang ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila, bumaba sa kanila ang Banal na Espiritu. Nakapagsalita sila sa ibaʼt ibang wikang hindi nila natutunan, at may mga ipinahayag silang mensahe mula sa Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.