Mga Gawa 19

Tinanong niya sila, “Natanggap na ba ninyo ang Banal na Espiritu nang sumampalataya kayo?” Sumagot sila, “Hindi, at hindi nga namin alam na may tinatawag palang Banal na Espiritu.”

Acts 19:2 (UKJV) He said unto them, Have all of you received the Holy Spirit since all of you believed? And they said unto him, We have not so much as heard whether there be any Holy Spirit.

1Habang nasa Corinto si Apolos, pumunta si Pablo sa mga bulubunduking lugar ng lalawigan hanggang sa makarating siya sa Efeso. May nakita siyang mga alagad doon.

2Tinanong niya sila, “Natanggap na ba ninyo ang Banal na Espiritu nang sumampalataya kayo?” Sumagot sila, “Hindi, at hindi nga namin alam na may tinatawag palang Banal na Espiritu.”

3Nagtanong si Pablo sa kanila, “Anong klaseng bautismo ang inyong napagdaanan?” Sumagot sila, “Ang bautismo ni Juan.”

4Sinabi ni Pablo sa kanila, “Ang bautismo ni Juan ay para sa mga taong nagsisisi sa kanilang kasalanan. Ngunit sinabi rin ni Juan sa mga tao na dapat silang sumampalataya sa darating na kasunod niya, na walang iba kundi si Hesus.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.