Mga Gawa 19

Habang nasa Corinto si Apolos, pumunta si Pablo sa mga bulubunduking lugar ng lalawigan hanggang sa makarating siya sa Efeso. May nakita siyang mga alagad doon.

Acts 19:1 (UKJV) And it came to pass, that, while Apollos was at Corinth, Paul having passed through the upper coasts came to Ephesus: and finding certain disciples,

1Habang nasa Corinto si Apolos, pumunta si Pablo sa mga bulubunduking lugar ng lalawigan hanggang sa makarating siya sa Efeso. May nakita siyang mga alagad doon.

2Tinanong niya sila, “Natanggap na ba ninyo ang Banal na Espiritu nang sumampalataya kayo?” Sumagot sila, “Hindi, at hindi nga namin alam na may tinatawag palang Banal na Espiritu.”

3Nagtanong si Pablo sa kanila, “Anong klaseng bautismo ang inyong napagdaanan?” Sumagot sila, “Ang bautismo ni Juan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.