Mga Gawa 2

Kaya tumayo si Pedro kasama ang Labing-isa, at nagsalita nang malakas sa mga taong nandoon, “Mga kababayan kong mga Hudyo, at kayong lahat na nakatira sa Jerusalem, makinig kayong mabuti sa akin, dahil ipapaliwanag ko kung ano ang ibig sabihin ng mga pangyayaring ito.

Acts 2:14 (UKJV) But Peter, standing up with the eleven, lifted up his voice, and said unto them, All of you men of Judaea, and all you that dwell at Jerusalem, be this known unto you, and hearken to my words:

12Manghang-mangha silang lahat at hindi nila maunawaan ang mga pangyayari. Kaya tinanong nila ang isaʼt isa, “Anong ibig sabihin nito?”

13Ngunit may ilang nanuya sa kanila at sinabing, “Lasing lang sa bagong alak ang mga iyan!”

14Kaya tumayo si Pedro kasama ang Labing-isa, at nagsalita nang malakas sa mga taong nandoon, “Mga kababayan kong mga Hudyo, at kayong lahat na nakatira sa Jerusalem, makinig kayong mabuti sa akin, dahil ipapaliwanag ko kung ano ang ibig sabihin ng mga pangyayaring ito.

15Hindi lasing ang mga taong ito gaya ng inaakala ninyo, dahil alas nuwebe pa lang ng umaga.

16Ang pangyayaring itoʼy katuparan ng ipinahayag ni Propeta Joel noon:

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.