Mga Gawa 2

Manghang-mangha silang lahat at hindi nila maunawaan ang mga pangyayari. Kaya tinanong nila ang isaʼt isa, “Anong ibig sabihin nito?”

Acts 2:12 (UKJV) And they were all amazed, and were in doubt, saying one to another, What means this?

10Ang iba ay taga-Frigia, Pamfilia, Ehipto, at mula sa mga lugar na sakop ng Libya na malapit sa Cirene. Mayroon ding mga taga-Roma

11(mga Hudyo at mga Hentil na nahikayat sa pananampalataya ng mga Hudyo). At ang iba ay mula sa Creta at Arabia. Ngunit naririnig natin sila na nagsasalita sa mga wika natin tungkol sa mga kamangha-manghang ginawa ng Diyos!”

12Manghang-mangha silang lahat at hindi nila maunawaan ang mga pangyayari. Kaya tinanong nila ang isaʼt isa, “Anong ibig sabihin nito?”

13Ngunit may ilang nanuya sa kanila at sinabing, “Lasing lang sa bagong alak ang mga iyan!”

14Kaya tumayo si Pedro kasama ang Labing-isa, at nagsalita nang malakas sa mga taong nandoon, “Mga kababayan kong mga Hudyo, at kayong lahat na nakatira sa Jerusalem, makinig kayong mabuti sa akin, dahil ipapaliwanag ko kung ano ang ibig sabihin ng mga pangyayaring ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.