Mga Gawa 2

(mga Hudyo at mga Hentil na nahikayat sa pananampalataya ng mga Hudyo). At ang iba ay mula sa Creta at Arabia. Ngunit naririnig natin sila na nagsasalita sa mga wika natin tungkol sa mga kamangha-manghang ginawa ng Diyos!”

Acts 2:11 (UKJV) Cretes and Arabians, we do hear them speak in our tongues the wonderful works of God.

9Ang iba sa atin ay taga-Partia, Media at Elam. Mayroon ding mga taga-Mesopotamia, Judea, Capadocia, Ponto at Asia.

10Ang iba ay taga-Frigia, Pamfilia, Ehipto, at mula sa mga lugar na sakop ng Libya na malapit sa Cirene. Mayroon ding mga taga-Roma

11(mga Hudyo at mga Hentil na nahikayat sa pananampalataya ng mga Hudyo). At ang iba ay mula sa Creta at Arabia. Ngunit naririnig natin sila na nagsasalita sa mga wika natin tungkol sa mga kamangha-manghang ginawa ng Diyos!”

12Manghang-mangha silang lahat at hindi nila maunawaan ang mga pangyayari. Kaya tinanong nila ang isaʼt isa, “Anong ibig sabihin nito?”

13Ngunit may ilang nanuya sa kanila at sinabing, “Lasing lang sa bagong alak ang mga iyan!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.