Mga Gawa 2

Magdidilim ang araw, at magkukulay-dugo ang buwan. Mangyayari ito bago dumating ang dakila at kamangha-manghang araw ng Panginoon.

Acts 2:20 (UKJV) The sun shall be turned into darkness, and the moon into blood, before the great and notable day of the Lord come:

18Oo, sa mga araw na iyon, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa aking mga lingkod, maging lalaki man o babae, at magpapahayag sila ng mga propesiya.

19Magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit at mga tanda sa lupa sa pamamagitan ng dugo, apoy, at makapal na usok.

20Magdidilim ang araw, at magkukulay-dugo ang buwan. Mangyayari ito bago dumating ang dakila at kamangha-manghang araw ng Panginoon.

21Ngunit ang sinumang tatawag sa ngalan ng Panginoon ay maliligtas.” ’

22“Mga kababayan kong Israelita, makinig kayo sa akin! Pinatotohanan ng Diyos sa inyo na si Hesus na taga-Nazaret ay sinugo niya nang gumawa siya ng mga himala, kababalaghan, at tanda sa pamamagitan ni Hesus – alam na alam nʼyo ito dahil naganap ang lahat ng ito sa kalagitnaan ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.