Mga Gawa 2

Ito ang sinabi ni David patungkol sa kanya: ‘Alam kong ang Panginoon ay palagi kong kasama at hindi niya ako pinapabayaan, kaya hindi ako nangangamba.

Acts 2:25 (UKJV) For David speaks concerning him, I foresaw the Lord always before my face, for he is on my right hand, that I should not be moved:

23Itong si Hesus, na sa simula paʼy ipinasya na ng Diyos na ibibigay sa inyo, ayon sa kanyang plano, ay inyong ipinapatay sa mga makasalanang taong nagpako sa kanya sa krus.

24Ngunit pinalaya siya ng Diyos sa pagdurusa at muling binuhay, dahil ang totoo, kahit ang gapos ng kamatayan ay hindi siya kayang pigilan.

25Ito ang sinabi ni David patungkol sa kanya: ‘Alam kong ang Panginoon ay palagi kong kasama at hindi niya ako pinapabayaan, kaya hindi ako nangangamba.

26Kaya ang puso koʼy nagagalak, at hindi mapigil ang aking pagpupuri sa Diyos. At ang katawan koʼy mahihimlay na may pag-asa.

27Sapagkat alam ko pong hindi nʼyo ako pababayaan sa mundo ng mga patay. Hindi nʼyo rin hahayaang mabulok ang inyong Banal na Lingkod.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.