Mga Gawa 2

Itinuro nʼyo sa akin ang landas patungo sa buhay, at dahil kayo ay palagi kong kasama, lubos ang aking kaligayahan.’

Acts 2:28 (UKJV) You have made known to me the ways of life; you shall make me full of joy with your countenance.

26Kaya ang puso koʼy nagagalak, at hindi mapigil ang aking pagpupuri sa Diyos. At ang katawan koʼy mahihimlay na may pag-asa.

27Sapagkat alam ko pong hindi nʼyo ako pababayaan sa mundo ng mga patay. Hindi nʼyo rin hahayaang mabulok ang inyong Banal na Lingkod.

28Itinuro nʼyo sa akin ang landas patungo sa buhay, at dahil kayo ay palagi kong kasama, lubos ang aking kaligayahan.’

29“Mga kababayan, malinaw na hindi tinutukoy ng ating ninunong si David ang kanyang sarili, dahil namatay siya at inilibing, at hanggang ngayon ay alam natin kung saan siya nakalibing.

30Si David ay propeta at alam niyang nangako ang Diyos sa kanya na ang isa sa kanyang mga lahi ay magmamana ng kanyang trono.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.