Mga Gawa 2

“Kaya ngayon, dapat talagang malaman ng lahat ng Israelita na itong si Hesus na ipinapako nʼyo sa krus ang itinalaga ng Diyos na Panginoon at Mesias.”

Acts 2:36 (UKJV) Therefore let all the house of Israel know assuredly, that God has made the same Jesus, whom all of you have crucified, both Lord and Christ.

34Sapagkat hindi si David ang umakyat sa langit, ngunit sinabi niya, ‘Wika ng Panginoon sa aking Panginoon: “Umupo ka rito sa aking kanan

35hanggang sa gawin kong iyong apakan ang iyong mga kalaban.” ’

36“Kaya ngayon, dapat talagang malaman ng lahat ng Israelita na itong si Hesus na ipinapako nʼyo sa krus ang itinalaga ng Diyos na Panginoon at Mesias.”

37Nang marinig iyon ng mga tao, tumagos ito sa kanilang puso. Kaya sinabi nila kay Pedro at sa ibang mga apostol, “Mga kapatid, ano ang dapat naming gawin?”

38Sumagot si Pedro sa kanila, “Magsisi kayo at tumalikod sa inyong mga kasalanan, at magpabautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Hesu-Kristo, upang mapatawad ang inyong mga kasalanan. At matatanggap ninyo ang regalo ng Diyos na walang iba kundi ang Banal na Espiritu.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.