32Siyaʼy walang iba kundi si Hesus na muling binuhay ng Diyos, at kaming lahat ay saksi rito.
33Iniluklok siya sa kanan ng Diyos, at tinanggap niya mula sa Ama ang Banal na Espiritung ipinangako sa kanya. Ibinuhos naman niya sa amin ang Banal na Espiritu na siyang nakikita at naririnig ninyo ngayon.
34Sapagkat hindi si David ang umakyat sa langit, ngunit sinabi niya, ‘Wika ng Panginoon sa aking Panginoon: “Umupo ka rito sa aking kanan
35hanggang sa gawin kong iyong apakan ang iyong mga kalaban.” ’
36“Kaya ngayon, dapat talagang malaman ng lahat ng Israelita na itong si Hesus na ipinapako nʼyo sa krus ang itinalaga ng Diyos na Panginoon at Mesias.”