Mga Gawa 2

Iniluklok siya sa kanan ng Diyos, at tinanggap niya mula sa Ama ang Banal na Espiritung ipinangako sa kanya. Ibinuhos naman niya sa amin ang Banal na Espiritu na siyang nakikita at naririnig ninyo ngayon.

Acts 2:33 (UKJV) Therefore being by the right hand of God exalted, and having received of the Father the promise of the Holy Spirit, he has shed forth this, which all of you now see and hear.

31At dahil alam niya kung ano ang mangyayari, ipinahayag niya ang muling pagkabuhay ng Mesias, na hindi siya pinabayaan sa mundo ng mga patay at hindi nabulok ang kanyang katawan.

32Siyaʼy walang iba kundi si Hesus na muling binuhay ng Diyos, at kaming lahat ay saksi rito.

33Iniluklok siya sa kanan ng Diyos, at tinanggap niya mula sa Ama ang Banal na Espiritung ipinangako sa kanya. Ibinuhos naman niya sa amin ang Banal na Espiritu na siyang nakikita at naririnig ninyo ngayon.

34Sapagkat hindi si David ang umakyat sa langit, ngunit sinabi niya, ‘Wika ng Panginoon sa aking Panginoon: “Umupo ka rito sa aking kanan

35hanggang sa gawin kong iyong apakan ang iyong mga kalaban.” ’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.