Mga Gawa 20

At bumalik si Pablo sa itaas, pinagpira-piraso ang tinapay at kumain. Nagpatuloy siya sa pangangaral hanggang mag-umaga at saka siya umalis.

Acts 20:11 (UKJV) When he therefore was come up again, and had broken bread, and eaten, and talked a long while, even till break of day, so he departed.

9May isang binata roon na ang pangalan ay Eutico na nakaupo sa bintana. At dahil sa haba ng pagsasalita ni Pablo, inantok siya at nakatulog nang mahimbing, at nahulog siya sa bintana mula sa ikatlong palapag. Patay na siya nang buhatin nila.

10Bumaba si Pablo at dinapaan niya si Eutico at niyakap. Sinabi niya sa mga tao, “Huwag kayong mabahala, buháy siya!”

11At bumalik si Pablo sa itaas, pinagpira-piraso ang tinapay at kumain. Nagpatuloy siya sa pangangaral hanggang mag-umaga at saka siya umalis.

12Ang binatang nahulog ay iniuwi nilang buháy, at lubos silang natuwa.

13Naglayag kami papuntang Asos at doon na namin susunduin si Pablo na naglakad lang papunta doon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.