Mga Gawa 20

Sumama sa kanya si Sopater na taga-Berea na anak ni Pirro, sina Aristarco at Segundo na mga taga-Tesalonica, si Gayo na taga-Derbe, si Timoteo, at sina Tiquico at Trofimo na mga taga-Asia.

Acts 20:4 (UKJV) And there accompanied him into Asia Sopater of Berea; and of the Thessalonians, Aristarchus and Secundus; and Gaius of Derbe, and Timotheus; and of Asia, Tychicus and Trophimus.

2Pinuntahan niya ang maraming lugar sa Macedonia, at pinalakas niya ang loob ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng pangangaral sa kanila. Pagkatapos, pumunta siya sa Gresya,

3at nanatili siya roon ng tatlong buwan. Nang maglalayag na sana siya papuntang Siria, nalaman niyang plano ng mga Hudyo na patayin siya. Kaya nagpasya siyang bumalik at sa Macedonia dumaan.

4Sumama sa kanya si Sopater na taga-Berea na anak ni Pirro, sina Aristarco at Segundo na mga taga-Tesalonica, si Gayo na taga-Derbe, si Timoteo, at sina Tiquico at Trofimo na mga taga-Asia.

5Nauna sila sa Troas at hinintay nila kami doon.

6Pinalampas muna namin ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa bago kami bumiyahe galing sa Filipos. Pagkatapos ng limang araw na paglalakbay, nakarating kami at nagkita-kita muli sa Troas kung saan kami nanatili ng pitong araw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.