Mga Gawa 20

Pinuntahan niya ang maraming lugar sa Macedonia, at pinalakas niya ang loob ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng pangangaral sa kanila. Pagkatapos, pumunta siya sa Gresya,

Acts 20:2 (UKJV) And when he had gone over those parts, and had given them much exhortation, he came into Greece,

1Nang matapos na ang gulo, ipinatawag ni Pablo ang mga alagad. Pinayuhan niya sila na magpakatatag, at pagkatapos niyang magpaalam sa kanila, pumunta siya sa Macedonia.

2Pinuntahan niya ang maraming lugar sa Macedonia, at pinalakas niya ang loob ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng pangangaral sa kanila. Pagkatapos, pumunta siya sa Gresya,

3at nanatili siya roon ng tatlong buwan. Nang maglalayag na sana siya papuntang Siria, nalaman niyang plano ng mga Hudyo na patayin siya. Kaya nagpasya siyang bumalik at sa Macedonia dumaan.

4Sumama sa kanya si Sopater na taga-Berea na anak ni Pirro, sina Aristarco at Segundo na mga taga-Tesalonica, si Gayo na taga-Derbe, si Timoteo, at sina Tiquico at Trofimo na mga taga-Asia.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.