Mga Gawa 21

Ngunit sumagot si Pablo, “Bakit kayo umiiyak? Pinahihina lamang ninyo ang loob ko. Nakahanda akong magpagapos at mamatay sa Jerusalem alang-alang sa pangalan ng Panginoong Hesus.”

Acts 21:13 (UKJV) Then Paul answered, What mean all of you to weep and to break mine heart? for I am ready not to be bound only, but also to die at Jerusalem for the name of the Lord Jesus.

11Pinuntahan niya kami at kinuha ang sinturon ni Pablo, at itinali sa kanyang mga paa at mga kamay. At sinabi niya, “Ayon sa Banal na Espiritu, ganito ang gagawin ng mga Hudyo sa Jerusalem sa may-ari ng sinturong ito, at siyaʼy ibibigay nila sa mga Hentil.”

12Nang marinig namin ito, kami at ang mga kapatid doon ay nakiusap kay Pablo na huwag nang tumuloy sa Jerusalem.

13Ngunit sumagot si Pablo, “Bakit kayo umiiyak? Pinahihina lamang ninyo ang loob ko. Nakahanda akong magpagapos at mamatay sa Jerusalem alang-alang sa pangalan ng Panginoong Hesus.”

14Hindi talaga namin mapigilan si Pablo, kaya sinabi na lang namin, “Mangyari nawa ang kalooban ng Panginoon.”

15Makaraan ang ilang araw, naghanda kami at umalis papuntang Jerusalem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.