Mga Gawa 21

Pinuntahan niya kami at kinuha ang sinturon ni Pablo, at itinali sa kanyang mga paa at mga kamay. At sinabi niya, “Ayon sa Banal na Espiritu, ganito ang gagawin ng mga Hudyo sa Jerusalem sa may-ari ng sinturong ito, at siyaʼy ibibigay nila sa mga Hentil.”

Acts 21:11 (UKJV) And when he was come unto us, he took Paul's girdle, and bound his own hands and feet, and said, Thus says the Holy Spirit, So shall the Jews at Jerusalem bind the man that owns this girdle, and shall deliver him into the hands of the Gentiles.

9Apat ang anak niyang dalaga na pawang mga propeta.

10Pagkaraan ng ilang araw, dumating ang propetang si Agabo mula sa Judea.

11Pinuntahan niya kami at kinuha ang sinturon ni Pablo, at itinali sa kanyang mga paa at mga kamay. At sinabi niya, “Ayon sa Banal na Espiritu, ganito ang gagawin ng mga Hudyo sa Jerusalem sa may-ari ng sinturong ito, at siyaʼy ibibigay nila sa mga Hentil.”

12Nang marinig namin ito, kami at ang mga kapatid doon ay nakiusap kay Pablo na huwag nang tumuloy sa Jerusalem.

13Ngunit sumagot si Pablo, “Bakit kayo umiiyak? Pinahihina lamang ninyo ang loob ko. Nakahanda akong magpagapos at mamatay sa Jerusalem alang-alang sa pangalan ng Panginoong Hesus.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.