Mga Gawa 21

Sumagot si Pablo, “Akoʼy isang Hudyong taga-Tarso na sakop ng Cilicia. Ang Tarso ay hindi ordinaryong lungsod lang. Kung maaari, payagan ninyo akong magsalita sa mga tao.”

Acts 21:39 (UKJV) But Paul said, I am a man which am a Jew of Tarsus, a city in Cilicia, a citizen of no mean city: and, I plead to you, suffer me to speak unto the people.

37Nang dalhin na si Pablo sa loob ng himpilan ng mga sundalo, sinabi niya sa kumander, “Maaari po ba tayong mag-usap?” Sumagot ang kumander, “Marunong ka palang magsalita ng Griyego?

38Kung ganoʼn, hindi pala ikaw ʼyung Ehipsiyo na kailan lang ay nanguna sa pagrerebelde sa pamahalaan, at dinala sa ilang ang apat na libong teroristang lalaki?”

39Sumagot si Pablo, “Akoʼy isang Hudyong taga-Tarso na sakop ng Cilicia. Ang Tarso ay hindi ordinaryong lungsod lang. Kung maaari, payagan ninyo akong magsalita sa mga tao.”

40Pinayagan siya ng kumander, kaya tumayo si Pablo sa hagdanan at sumenyas sa mga tao na may sasabihin siya. Nang tumahimik na sila, nagsalita siya sa wikang Arameo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.