35Pagdating nila sa hagdanan ng himpilan, binuhat na lang nila si Pablo dahil sa kaguluhan ng mga taong
36nakasunod at sumisigaw ng, “Patayin siya!”
37Nang dalhin na si Pablo sa loob ng himpilan ng mga sundalo, sinabi niya sa kumander, “Maaari po ba tayong mag-usap?” Sumagot ang kumander, “Marunong ka palang magsalita ng Griyego?
38Kung ganoʼn, hindi pala ikaw ʼyung Ehipsiyo na kailan lang ay nanguna sa pagrerebelde sa pamahalaan, at dinala sa ilang ang apat na libong teroristang lalaki?”
39Sumagot si Pablo, “Akoʼy isang Hudyong taga-Tarso na sakop ng Cilicia. Ang Tarso ay hindi ordinaryong lungsod lang. Kung maaari, payagan ninyo akong magsalita sa mga tao.”