9Nakita ng mga kasama ko ang liwanag ngunit hindi nila narinig ang boses na nagsasalita sa akin.
10“At nagtanong pa ako, ‘Ano ang gagawin ko, Panginoon?’ “At sinabi niya sa akin, ‘Tumayo ka at pumunta sa Damasco, at doon, sasabihin sa iyo ang lahat ng gagawin mo.’
11Nabulag ako sa tindi ng liwanag. Kaya inakay ako ng aking mga kasama papuntang Damasco.
12“Doon sa Damasco, may isang tao na ang pangalan ay Ananias. May takot siya sa Diyos at sumusunod sa Kautusan. Iginagalang siya ng mga Hudyong naninirahan doon.
13Pumunta siya sa akin at sinabi, ‘Kapatid na Saulo, makakakita ka na.’ Noon din ay gumaling ako at nakita ko si Ananias.