8“Nagtanong ako, ‘Sino po kayo, Panginoon?’ “Sumagot ang tinig, ‘Akoʼy si Hesus na taga-Nazaret, na iyong inuusig.’
9Nakita ng mga kasama ko ang liwanag ngunit hindi nila narinig ang boses na nagsasalita sa akin.
10“At nagtanong pa ako, ‘Ano ang gagawin ko, Panginoon?’ “At sinabi niya sa akin, ‘Tumayo ka at pumunta sa Damasco, at doon, sasabihin sa iyo ang lahat ng gagawin mo.’
11Nabulag ako sa tindi ng liwanag. Kaya inakay ako ng aking mga kasama papuntang Damasco.
12“Doon sa Damasco, may isang tao na ang pangalan ay Ananias. May takot siya sa Diyos at sumusunod sa Kautusan. Iginagalang siya ng mga Hudyong naninirahan doon.