Mga Gawa 22

“Sinabi niya sa akin, ‘Pinili ka ng Diyos ng ating mga ninuno para malaman mo ang kalooban niya at upang makita mo at marinig ang boses ng Matuwid na si Hesus.

Acts 22:14 (UKJV) And he said, The God of our fathers has chosen you, that you should know his will, and see that Just One, and should hear the voice of his mouth.

12“Doon sa Damasco, may isang tao na ang pangalan ay Ananias. May takot siya sa Diyos at sumusunod sa Kautusan. Iginagalang siya ng mga Hudyong naninirahan doon.

13Pumunta siya sa akin at sinabi, ‘Kapatid na Saulo, makakakita ka na.’ Noon din ay gumaling ako at nakita ko si Ananias.

14“Sinabi niya sa akin, ‘Pinili ka ng Diyos ng ating mga ninuno para malaman mo ang kalooban niya at upang makita mo at marinig ang boses ng Matuwid na si Hesus.

15Sapagkat ipapahayag mo sa lahat ng tao ang iyong nakita at narinig.

16Ngayon, ano pa ang hinihintay mo? Tumayo ka na at magpabautismo, at tumawag sa Panginoon upang maging malinis ka sa iyong mga kasalanan.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.