Mga Gawa 22

Ngayon, ano pa ang hinihintay mo? Tumayo ka na at magpabautismo, at tumawag sa Panginoon upang maging malinis ka sa iyong mga kasalanan.’ ”

Acts 22:16 (UKJV) And now why tarry you? arise, and be baptized, and wash away your sins, calling on the name of the Lord.

14“Sinabi niya sa akin, ‘Pinili ka ng Diyos ng ating mga ninuno para malaman mo ang kalooban niya at upang makita mo at marinig ang boses ng Matuwid na si Hesus.

15Sapagkat ipapahayag mo sa lahat ng tao ang iyong nakita at narinig.

16Ngayon, ano pa ang hinihintay mo? Tumayo ka na at magpabautismo, at tumawag sa Panginoon upang maging malinis ka sa iyong mga kasalanan.’ ”

17“Pagkatapos, bumalik ako sa Jerusalem. At habang nananalangin ako sa Templo, nagkaroon ako ng pangitain.

18Nakita ko si Hesus na nagsasabi sa akin, ‘Bilisan mo! Umalis ka agad sa Jerusalem, dahil hindi tatanggapin ng mga taga-rito ang patotoo mo tungkol sa akin.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.