Mga Gawa 22

Nakita ko si Hesus na nagsasabi sa akin, ‘Bilisan mo! Umalis ka agad sa Jerusalem, dahil hindi tatanggapin ng mga taga-rito ang patotoo mo tungkol sa akin.’

Acts 22:18 (UKJV) And saw him saying unto me, Make haste, and get you quickly out of Jerusalem: for they will not receive your testimony concerning me.

16Ngayon, ano pa ang hinihintay mo? Tumayo ka na at magpabautismo, at tumawag sa Panginoon upang maging malinis ka sa iyong mga kasalanan.’ ”

17“Pagkatapos, bumalik ako sa Jerusalem. At habang nananalangin ako sa Templo, nagkaroon ako ng pangitain.

18Nakita ko si Hesus na nagsasabi sa akin, ‘Bilisan mo! Umalis ka agad sa Jerusalem, dahil hindi tatanggapin ng mga taga-rito ang patotoo mo tungkol sa akin.’

19“Sinabi ko sa kanya, ‘Ngunit bakit hindi sila maniniwala, Panginoon, samantalang alam nila na inikot ko noon ang mga sinagoga para hulihin at gulpihin ang mga taong sumasampalataya sa iyo?

20At nang dumanak ang dugo ng martir na si Esteban, naroon ako at sumang-ayon sa pagpatay sa kanya, at ako pa nga ang nagbantay ng mga balabal ng mga pumatay sa kanya.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.