Mga Gawa 22

At nang dumanak ang dugo ng martir na si Esteban, naroon ako at sumang-ayon sa pagpatay sa kanya, at ako pa nga ang nagbantay ng mga balabal ng mga pumatay sa kanya.’

Acts 22:20 (UKJV) And when the blood of your martyr Stephen was shed, I also was standing by, and consenting unto his death, and kept the raiment of them that slew him.

18Nakita ko si Hesus na nagsasabi sa akin, ‘Bilisan mo! Umalis ka agad sa Jerusalem, dahil hindi tatanggapin ng mga taga-rito ang patotoo mo tungkol sa akin.’

19“Sinabi ko sa kanya, ‘Ngunit bakit hindi sila maniniwala, Panginoon, samantalang alam nila na inikot ko noon ang mga sinagoga para hulihin at gulpihin ang mga taong sumasampalataya sa iyo?

20At nang dumanak ang dugo ng martir na si Esteban, naroon ako at sumang-ayon sa pagpatay sa kanya, at ako pa nga ang nagbantay ng mga balabal ng mga pumatay sa kanya.’

21“Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, ‘Umalis ka sa Jerusalem, dahil ipapadala kita sa malayong lugar upang ipangaral mo ang Magandang Balita sa mga Hentil!’ ”

22Pagkasabi nito ni Pablo, ayaw na siyang pakinggan ng mga tao. Sumigaw sila, “Patayin ang taong iyan! Hindi siya dapat mabuhay dito sa mundo!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.