Mga Gawa 22

Nang marinig ng mga tao na nagsalita siya sa wikang Arameo, lalo silang tumahimik. At nagpatuloy si Pablo sa pagsasalita:

Acts 22:2 (UKJV) (And when they heard that he spoke in the Hebrew tongue to them, they kept the more silence: and he says,)

1“Mga kapatid at mga magulang, pakinggan muna ninyo ang sasabihin ko bilang pagtatanggol sa aking sarili!”

2Nang marinig ng mga tao na nagsalita siya sa wikang Arameo, lalo silang tumahimik. At nagpatuloy si Pablo sa pagsasalita:

3“Akoʼy isang Hudyong ipinanganak sa Tarso na sakop ng Cilicia, pero lumaki ako rito sa Jerusalem. Dito ako nag-aral at naging guro ko si Gamaliel. Sinanay akong mabuti sa Kautusan na sinunod din ng ating mga ninuno. Gaya ninyo ngayon, masigasig din akong naglilingkod sa ating Diyos.

4Inusig ko at sinikap na patayin ang mga sumusunod sa Daan. Hinuli ko sila at ikinulong, lalaki man o babae.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.