Mga Gawa 22

“Tanghaling-tapat na noon at malapit na kami sa Damasco. Biglang kumislap sa aming paligid ang isang nakakasilaw na liwanag mula sa langit.

Acts 22:6 (UKJV) And it came to pass, that, as I made my journey, and was come nigh unto Damascus about noon, suddenly there shone from heaven a great light round about me.

4Inusig ko at sinikap na patayin ang mga sumusunod sa Daan. Hinuli ko sila at ikinulong, lalaki man o babae.

5Ang punong pari at ang lahat ng miyembro ng Sanhedrin ay makapagpapatunay sa lahat ng sinasabi ko. Sila mismo ang nagbigay sa akin ng sulat para sa mga kapatid nating Hudyo doon sa Damasco. At pumunta ako doon para hulihin ang mga sumasampalataya kay Hesus at dalhin pabalik dito sa Jerusalem upang parusahan.

6“Tanghaling-tapat na noon at malapit na kami sa Damasco. Biglang kumislap sa aming paligid ang isang nakakasilaw na liwanag mula sa langit.

7Natumba ako at may narinig akong tinig na nagsasabi sa akin, ‘Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?’

8“Nagtanong ako, ‘Sino po kayo, Panginoon?’ “Sumagot ang tinig, ‘Akoʼy si Hesus na taga-Nazaret, na iyong inuusig.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.