Mga Gawa 23

Tumingin si Pablo sa mga miyembro ng Sanhedrin at sinabi, “Mga kapatid, namuhay akong malinis ang konsensiya sa harapan ng Diyos hanggang sa araw na ito.”

Acts 23:1 (UKJV) And Paul, earnestly beholding the council, said, Men and brethren, I have lived in all good conscience before God until this day.

1Tumingin si Pablo sa mga miyembro ng Sanhedrin at sinabi, “Mga kapatid, namuhay akong malinis ang konsensiya sa harapan ng Diyos hanggang sa araw na ito.”

2Pagkasabi nito ni Pablo, inutusan ng punong pari na si Ananias ang mga nakatayong malapit kay Pablo na sampalin siya sa bibig.

3Sinabi ni Pablo sa kanya, “Sampalin ka rin ng Diyos, ikaw na pakitang-tao! Nakaupo ka diyan para hatulan ako ayon sa Kautusan, ngunit nilabag mo rin ang Kautusan nang iniutos mo na sampalin ako!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.