Mga Gawa 23

Sinabi ni Pablo sa kanya, “Sampalin ka rin ng Diyos, ikaw na pakitang-tao! Nakaupo ka diyan para hatulan ako ayon sa Kautusan, ngunit nilabag mo rin ang Kautusan nang iniutos mo na sampalin ako!”

Acts 23:3 (UKJV) Then said Paul unto him, God shall strike you, you whitewashed wall: for sit you to judge me after the law, and command me to be smitten contrary to the law?

1Tumingin si Pablo sa mga miyembro ng Sanhedrin at sinabi, “Mga kapatid, namuhay akong malinis ang konsensiya sa harapan ng Diyos hanggang sa araw na ito.”

2Pagkasabi nito ni Pablo, inutusan ng punong pari na si Ananias ang mga nakatayong malapit kay Pablo na sampalin siya sa bibig.

3Sinabi ni Pablo sa kanya, “Sampalin ka rin ng Diyos, ikaw na pakitang-tao! Nakaupo ka diyan para hatulan ako ayon sa Kautusan, ngunit nilabag mo rin ang Kautusan nang iniutos mo na sampalin ako!”

4Sinabi ng mga taong nakatayo malapit kay Pablo, “Iniinsulto mo ang punong pari ng Diyos!”

5Sumagot si Pablo, “Mga kapatid, hindi ko alam na siya pala ang punong pari, dahil sinasabi sa Kasulatan, ‘Huwag tayong magsalita ng masama laban sa namumuno sa atin.’”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.