2Pagkasabi nito ni Pablo, inutusan ng punong pari na si Ananias ang mga nakatayong malapit kay Pablo na sampalin siya sa bibig.
3Sinabi ni Pablo sa kanya, “Sampalin ka rin ng Diyos, ikaw na pakitang-tao! Nakaupo ka diyan para hatulan ako ayon sa Kautusan, ngunit nilabag mo rin ang Kautusan nang iniutos mo na sampalin ako!”
4Sinabi ng mga taong nakatayo malapit kay Pablo, “Iniinsulto mo ang punong pari ng Diyos!”
5Sumagot si Pablo, “Mga kapatid, hindi ko alam na siya pala ang punong pari, dahil sinasabi sa Kasulatan, ‘Huwag tayong magsalita ng masama laban sa namumuno sa atin.’”
6Nang makita ni Pablo na may mga Saduceo at mga Pariseo roon, sinabi niya nang malakas sa mga miyembro ng Sanhedrin, “Mga kapatid, akoʼy isang Pariseo, at ang aking ama at mga ninuno ay Pariseo rin. Inaakusahan ako ngayon dahil umaasa akong muling mabubuhay ang mga patay.”