Mga Gawa 23

Lalong uminit ang kanilang pagtatalo, hanggang sa natakot ang kumander na pagtulung-tulungan ng mga tao si Pablo. Kaya nag-utos siya sa kanyang mga sundalo na bumaba at kunin si Pablo sa mga tao at ibalik sa himpilan.

Acts 23:10 (UKJV) And when there arose a great dissension, the chief captain, fearing lest Paul should have been pulled in pieces of them, commanded the soldiers to go down, and to take him by force from among them, and to bring him into the castle.

8Nangyari ito dahil ayon sa mga Saduceo, walang muling pagkabuhay. Hindi rin sila naniniwala na may mga anghel o may mga espiritu. Ngunit ang lahat ng ito ay pinaniniwalaan ng mga Pariseo.

9Kaya nagkagulo sila at nagsigawan nang malakas, at tumayo ang ilang mga tagapagturo ng Kautusan na mga Pariseo at mariin nilang sinabi, “Wala kaming makitang kasalanan sa taong ito. Baka may espiritu o kayaʼy anghel na nakipag-usap sa kanya!”

10Lalong uminit ang kanilang pagtatalo, hanggang sa natakot ang kumander na pagtulung-tulungan ng mga tao si Pablo. Kaya nag-utos siya sa kanyang mga sundalo na bumaba at kunin si Pablo sa mga tao at ibalik sa himpilan.

11Kinagabihan, nagpakita ang Panginoon kay Pablo at sinabi, “Huwag kang matakot! Kung paano ka nagpahayag tungkol sa akin dito sa Jerusalem, ganoon din ang gagawin mo sa Roma.”

12Kinaumagahan, nagpulong ang mahigit apatnapung Hudyo, at nagplano sila kung ano ang kanilang gagawin. Isinumpa nilang hindi sila kakain at iinom hanggaʼt hindi nila napapatay si Pablo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.