Mga Gawa 23

Kaya nagkagulo sila at nagsigawan nang malakas, at tumayo ang ilang mga tagapagturo ng Kautusan na mga Pariseo at mariin nilang sinabi, “Wala kaming makitang kasalanan sa taong ito. Baka may espiritu o kayaʼy anghel na nakipag-usap sa kanya!”

Acts 23:9 (UKJV) And there arose a great cry: and the scribes that were of the Pharisees' part arose, and strove, saying, We find no evil in this man: but if a spirit or an angel has spoken to him, let us not fight against God.

7Pagkasabi niya nito, nagkagulo ang mga Pariseo at mga Saduceo at nagkahati-hati ang mga miyembro ng Sanhedrin.

8Nangyari ito dahil ayon sa mga Saduceo, walang muling pagkabuhay. Hindi rin sila naniniwala na may mga anghel o may mga espiritu. Ngunit ang lahat ng ito ay pinaniniwalaan ng mga Pariseo.

9Kaya nagkagulo sila at nagsigawan nang malakas, at tumayo ang ilang mga tagapagturo ng Kautusan na mga Pariseo at mariin nilang sinabi, “Wala kaming makitang kasalanan sa taong ito. Baka may espiritu o kayaʼy anghel na nakipag-usap sa kanya!”

10Lalong uminit ang kanilang pagtatalo, hanggang sa natakot ang kumander na pagtulung-tulungan ng mga tao si Pablo. Kaya nag-utos siya sa kanyang mga sundalo na bumaba at kunin si Pablo sa mga tao at ibalik sa himpilan.

11Kinagabihan, nagpakita ang Panginoon kay Pablo at sinabi, “Huwag kang matakot! Kung paano ka nagpahayag tungkol sa akin dito sa Jerusalem, ganoon din ang gagawin mo sa Roma.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.