Mga Gawa 23

Sinabi ng binatilyo, “Nagkasundo ang mga Hudyo na hilingin sa inyo na dalhin si Pablo sa harap ng Sanhedrin bukas, dahil iimbestigahan daw nila nang mabuti.

Acts 23:20 (UKJV) And he said, The Jews have agreed to desire you that you would bring down Paul tomorrow into the council, as though they would enquire somewhat of him more perfectly.

18Kaya dinala siya ng kapitan sa kumander. Pagdating nila roon, sinabi ng kapitan, “Tinawag ako ng bilanggong si Pablo, at nakiusap na dalhin sa inyo ang binatilyong ito, dahil may sasabihin daw siya sa inyo.”

19Hinawakan ng kumander ang kamay ng binatilyo, at dinala siya sa lugar na walang ibang makakarinig. At tinanong niya, “Ano ba ang sasabihin mo sa akin?”

20Sinabi ng binatilyo, “Nagkasundo ang mga Hudyo na hilingin sa inyo na dalhin si Pablo sa harap ng Sanhedrin bukas, dahil iimbestigahan daw nila nang mabuti.

21Ngunit huwag po kayong maniwala sa kanila, dahil mahigit apatnapung tao ang tatambang sa kanya. Isinumpa nilang hindi sila kakain at iinom hanggaʼt hindi nila napapatay si Pablo. Nakahanda na sila at naghihintay na lang ng pahintulot ninyo.”

22Pinauwi ng kumander ang binata at ibinilin, “Huwag mong sasabihin kahit kanino na ipinaalam mo ito sa akin.” At pinauwi niya ang binatilyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.