16Ngunit ang plano nilaʼy narinig ng lalaking pamangkin ni Pablo, na anak ng kapatid niyang babae. Kaya pumunta siya sa himpilan at ibinalita ito kay Pablo.
17Tinawag ni Pablo ang isa sa mga kapitan doon at sinabi, “Dalhin ninyo ang binatilyong ito sa kumander, dahil may sasabihin siya.”
18Kaya dinala siya ng kapitan sa kumander. Pagdating nila roon, sinabi ng kapitan, “Tinawag ako ng bilanggong si Pablo, at nakiusap na dalhin sa inyo ang binatilyong ito, dahil may sasabihin daw siya sa inyo.”
19Hinawakan ng kumander ang kamay ng binatilyo, at dinala siya sa lugar na walang ibang makakarinig. At tinanong niya, “Ano ba ang sasabihin mo sa akin?”
20Sinabi ng binatilyo, “Nagkasundo ang mga Hudyo na hilingin sa inyo na dalhin si Pablo sa harap ng Sanhedrin bukas, dahil iimbestigahan daw nila nang mabuti.