Mga Gawa 23

Gusto kong malaman kung bakit siya pinaparatangan kaya dinala ko siya sa Sanhedrin.

Acts 23:28 (UKJV) And when I would have known the cause wherefore they accused him, I brought him forth into their council:

26Mula kay Claudio Lisias, Kagalang-galang at mahal na Gobernador Felix:

27“Ang taong itoʼy dinakip ng mga Hudyo, at papatayin na sana. Ngunit nang malaman kong isa pala siyang Romano, nagsama ako ng mga sundalo at iniligtas siya.

28Gusto kong malaman kung bakit siya pinaparatangan kaya dinala ko siya sa Sanhedrin.

29Natuklasan ko na ang akusasyon sa kanya ay tungkol lang sa mga bagay na may kinalaman sa kautusan ng kanilang relihiyon. Wala talagang sapat na dahilan para ipakulong siya o ipapatay.

30Kaya nang malaman kong may plano ang mga Hudyo na patayin siya, agad ko siyang ipinadala sa inyo. At sinabihan ko ang mga nag-akusa sa kanya na sa inyo na sila magreklamo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.