8At sinabi niya na kung sino ang may akusasyon laban kay Pablo ay kinakailangang pumunta sa inyo.] Kung iimbestigahan nʼyo ang taong ito, malalaman nʼyo ang lahat ng akusasyon namin sa kanya.”
9At sinang-ayunan din ng mga Hudyo ang lahat ng sinabi ni Tertulo.
10Sinenyasan ng gobernador si Pablo na siya naman ang magsalita. Kaya nagsalita si Pablo, “Alam kong matagal na po kayong naging hukom sa bansang ito. Kaya ikinagagalak kong ipagtanggol ang aking sarili sa inyong harapan.
11Kung mag-iimbestiga kayo, malalaman ninyo na halos labindalawang araw na ang lumipas nang dumating ako sa Jerusalem para sumamba.
12Kailanmaʼy hindi ako nakita ng mga Hudyong ito na nakikipagdiskusyon kahit kanino o kayaʼy nanggugulo sa Templo o sa sinagoga, o kahit saan sa lungsod.