Mga Gawa 24

Kailanmaʼy hindi ako nakita ng mga Hudyong ito na nakikipagdiskusyon kahit kanino o kayaʼy nanggugulo sa Templo o sa sinagoga, o kahit saan sa lungsod.

Acts 24:12 (UKJV) And they neither found me in the temple disputing with any man, neither raising up the people, neither in the synagogues, nor in the city:

10Sinenyasan ng gobernador si Pablo na siya naman ang magsalita. Kaya nagsalita si Pablo, “Alam kong matagal na po kayong naging hukom sa bansang ito. Kaya ikinagagalak kong ipagtanggol ang aking sarili sa inyong harapan.

11Kung mag-iimbestiga kayo, malalaman ninyo na halos labindalawang araw na ang lumipas nang dumating ako sa Jerusalem para sumamba.

12Kailanmaʼy hindi ako nakita ng mga Hudyong ito na nakikipagdiskusyon kahit kanino o kayaʼy nanggugulo sa Templo o sa sinagoga, o kahit saan sa lungsod.

13Hindi nga po nila mapatunayan sa inyo na totoo ang kanilang akusasyon sa akin.

14Subalit, inaamin kong sinasamba ko ang Diyos ng aming mga ninuno bilang alagad ng Daan na itinuturing nilang kulto. Pinaniniwalaan ko ang lahat ng nakasaad sa Kautusan at sa isinulat ng mga Propeta.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.