Mga Gawa 24

Pagkatapos, inutusan niya ang kapitan na bantayan si Pablo ngunit huwag higpitan, at payagan ang kanyang mga kaibigan na tumulong sa mga pangangailangan niya.

Acts 24:23 (UKJV) And he commanded a centurion to keep Paul, and to let him have liberty, and that he should forbid none of his acquaintance to minister or come unto him.

21Sapagkat wala akong ibang sinabi sa harapan nila kundi ito: ‘Inaakusahan ninyo ako ngayon dahil naniniwala ako na muling bubuhayin ang mga patay.’ ”

22Dahil sa marami nang nalalaman noon si Felix tungkol sa Daan, ipinatigil niya ang paglilitis. Sinabi niya, “Hahatulan ko lang ang kasong ito kapag dumating na rito si kumander Lisias.”

23Pagkatapos, inutusan niya ang kapitan na bantayan si Pablo ngunit huwag higpitan, at payagan ang kanyang mga kaibigan na tumulong sa mga pangangailangan niya.

24Pagkaraan ng ilang araw, bumalik si Felix kasama ang kanyang asawang si Drusila na isang Hudyo. Ipinatawag niya si Pablo at nakinig sa mga pahayag nito tungkol sa pananampalataya kay Kristo Hesus.

25Ngunit nang magpaliwanag si Pablo tungkol sa matuwid na pamumuhay, sa pagpipigil sa sarili, at tungkol sa darating na Araw ng Paghuhukom, natakot si Felix at sinabi niya kay Pablo, “Tama na muna iyan! Ipapatawag na lang kitang muli kung sakaling may pagkakataon ako.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.