Mga Gawa 24

Dahil sa marami nang nalalaman noon si Felix tungkol sa Daan, ipinatigil niya ang paglilitis. Sinabi niya, “Hahatulan ko lang ang kasong ito kapag dumating na rito si kumander Lisias.”

Acts 24:22 (UKJV) And when Felix heard these things, having more perfect knowledge of that way, he deferred them, and said, When Lysias the chief captain shall come down, I will know the uttermost of your matter.

20At dahil wala sila rito, ang mga tao na lang na naririto ang magsasabi kung anong kasalanan ang nakita nila sa akin nang imbestigahan ako sa harap ng Sanhedrin.

21Sapagkat wala akong ibang sinabi sa harapan nila kundi ito: ‘Inaakusahan ninyo ako ngayon dahil naniniwala ako na muling bubuhayin ang mga patay.’ ”

22Dahil sa marami nang nalalaman noon si Felix tungkol sa Daan, ipinatigil niya ang paglilitis. Sinabi niya, “Hahatulan ko lang ang kasong ito kapag dumating na rito si kumander Lisias.”

23Pagkatapos, inutusan niya ang kapitan na bantayan si Pablo ngunit huwag higpitan, at payagan ang kanyang mga kaibigan na tumulong sa mga pangangailangan niya.

24Pagkaraan ng ilang araw, bumalik si Felix kasama ang kanyang asawang si Drusila na isang Hudyo. Ipinatawag niya si Pablo at nakinig sa mga pahayag nito tungkol sa pananampalataya kay Kristo Hesus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.