Mga Gawa 24

At dahil wala sila rito, ang mga tao na lang na naririto ang magsasabi kung anong kasalanan ang nakita nila sa akin nang imbestigahan ako sa harap ng Sanhedrin.

Acts 24:20 (UKJV) Or else let these same here say, if they have found any evil doing in me, while I stood before the council,

18At nadatnan nila ako doon sa Templo na naghahandog matapos kong gawin ang seremonya ng paglilinis. Wala akong kasamang maraming tao, at wala ring kaguluhan.

19Ngunit may mga Hudyo roon na galing sa lalawigan ng Asia. Sila sana ang dapat humarap sa inyo kung talagang may akusasyon sila laban sa akin.

20At dahil wala sila rito, ang mga tao na lang na naririto ang magsasabi kung anong kasalanan ang nakita nila sa akin nang imbestigahan ako sa harap ng Sanhedrin.

21Sapagkat wala akong ibang sinabi sa harapan nila kundi ito: ‘Inaakusahan ninyo ako ngayon dahil naniniwala ako na muling bubuhayin ang mga patay.’ ”

22Dahil sa marami nang nalalaman noon si Felix tungkol sa Daan, ipinatigil niya ang paglilitis. Sinabi niya, “Hahatulan ko lang ang kasong ito kapag dumating na rito si kumander Lisias.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.